Header AD

Mayor nagbanta sa mga kawani ng Munisipyo; viral sa social media ang video

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan maririnig ang pananakot ng isa umanong Mayor ng Candelaria, Quezon.

Sa ulat ng DZRH report ang mayor ay kinilalang si Mayor Macky Boongaling. Si Boongaling ay nagsalita sa harap ng mga empleyado ng Munisipyo.


Sinabihan ng mayor ang mga kawani na kapag hindi siya iboboto maaring ilagay sila sa ibang departamento. Kung sila sa ngayon ay nasa de-aircon na opisina, kung malaman ng mayor na hindi sya iboboto ilipat nya ang kawani sa mainit na opisina.

“Alam ko na kung saan ko kayong dadalhing mga departamento. Kung kayo ay nasa malamig, dadalhin ko kayo sa mainit na lugar para ito ay maging pahirap sa inyo,” ayon pa ni Mayor Boongaling.



Ayon pa ng Mayor kapag hindi siya ang iboboto siguradong mananagot ang mga kawani ng munisipyo.

“Pag hindi niyo ko binoto, alam ko kung sino sa inyo, dahil lahat kayo ay papa-ispayan ko. Lahat ng nagta-trabaho sa pamahalaang bayan, pag hindi niyo kami sinamahan, pasensiyahan tayo,” dagdag pa ni Mayor Boongaling.

Source: DZRH News
Mayor nagbanta sa mga kawani ng Munisipyo; viral sa social media ang video Mayor nagbanta sa mga kawani ng Munisipyo; viral sa social media ang video Reviewed by ­ on May 12, 2019 Rating: 5