Header AD

Traffic Enforcer, ipinarada sa daan na nakapusas matapos mahuling nangongotong

Timbog ng otoridad ang lalaking membro ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA matapos ang pinagsanib pwersa ng grupo ng BITAG ni idol Ben Tulfo at ng Special Project Unit ng Quezon City Police District.

Dumolog sa tanggapan ni idol Ben Tulfo sa programang "BITAG" si Randy Garcia na taga Malolos Bulacan, inireklamo ni Randy ang membro ng MMDA na si Danilo
Barnedo dahil sa pangungutong.

Ayon sa salaysay ni Randy habang nagmamaneho siya ng sasakyan nakapwesto daw si Danilo sa lugar kung saan siya pinara at hinuli. Tinanong ni Randy kung ano ang kaniyang naging violation pero sagot naman ni Danilo na kolurom daw ang sasakyan na kaniyang dala kaya siya'y hinuli.


Matapos kinumpiska ng enforcer ang lisensiya ni Randy agad daw itong umalis. "Parang holdap po yung ginawa niya saakin, kasi kinuha niya po lisensya ko pero hindi niya ako binigyan ng ticket." ayon pa ni Randy.


Matapos niyang kontakin at pinakausapan ang enforcer sinabihan siya nito na papuntahin sa lugar at magdala ng pera na P6,000.

Pero dahil kapos sa pera ang driver hindi niya natuloy ang pagtubos ng kaniyang lisensiya bagkus lumapit ito sa programa ni idol Ben Tulfo at pinag setup ang kanilang gagawin para mahuli ang nasabing enforcer.


Agad naman nakipag-ugnayan ang BITAG Team sa mga Mobile Patrol Unit ng QCPD at napagplanohan kung paano ma entrap at ma-Bitag ang enforcer. Agad tinungo ang lugar kung saan nandoon ang kanilang target.

Sa loob ng convenience store, nagtyaga pang naghintay ang biktima kay Danilo. Ilang minuto lang dumating na si Danilo at inabot ang pera ng biktima. Hindi alam ng enforcer na nasa paligid na pala ang mga pulis at agad siyang pinusasan.


Pero ayon pa ng ilang tsuper hindi lang daw si Randy ang naging biktima ng mga kotongerong enforcer dahil marami na daw ang naging biktima at hindi lang nag-iisa ang enforcer minsan dalawa or tatlo.



Agad nag-trending sa online ang video ng BITAG na pinag re-upload lang sa youtube nito lang March 01, 2019. Pero ang insedente ay nangyari ilang taon na ang nakalipas.

Source: BITAG | Youtube
Traffic Enforcer, ipinarada sa daan na nakapusas matapos mahuling nangongotong Traffic Enforcer, ipinarada sa daan na nakapusas matapos mahuling nangongotong Reviewed by ­ on March 05, 2019 Rating: 5