Header AD

Sekyu, matapang na sinita ang dalawang foreigner na nambastos ng Pinay nurse

Isa na sa tungkulin ng mga gwardiya na protektahan at tiyakin ang seguridad na kanilang binabantayang kompanya o establisyimento.

Katulad nalang sa gwardiyang ito na umani ng papuri ng mga netizens matapos nitong sitahin ang mga dayuhan nambastos sa isang nurse na kumakain sa fast-food chain sa Bacolod City.

Isang Facebook user na nagngangalang Christjohn Villaluz na siyang nag-upload ng video.


Makikita sa video na ang mga dayuhan pa mismo ang arogante at nanakit sa umaawat na lalaki dahil sa ginawa nilang pambabastos sa babae.

Agad inawat ng gwardiya ang dalawang panig kahit paman na mas malaki pa ang mga dayuhan sa kaniya. Sinikap niyang sitahin at awatin ang mga ito bilang tawag ng tungkulin.

Nakilala ang isang dayuhan na si Greg Liffe. Si Liffe ay matatandaan na inireklamo ng isang taxi driver sa Davao City noong 2013 dahil naghu'bad si Liffe para patunayan na wala daw siyang dalang pamasahe.


Dagdag pa sa nagpost palagi na daw ginawa ang pambabastos ng mga dayuhan sa tuwing pumapasok ito sa mga fast-food chain.


Hindi na mapigilan ang sarili ng isang netizens at nanawagan na dapat ipa-deport ang ganitong klaseng dayuhan.



“Dapat sa mga iyan, ipa–deport! Ang lalakas ng loob na dito pa sa sariling bansa natin m4mbully ng mga Pilipino! Magsilayas kayo sa aming bansa!”.
Sekyu, matapang na sinita ang dalawang foreigner na nambastos ng Pinay nurse Sekyu, matapang na sinita ang dalawang foreigner na nambastos ng Pinay nurse Reviewed by ­ on March 26, 2019 Rating: 5