Header AD

Raffy Tulfo, umalma sa kapatid na si Mon dahil sa kontrobersyal na pahayag

Inalmahan ni idol Raffy Tulfo ang pahayag ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Mon Tulfo dahil sa naging kontrobersyal nito tungkol sa mga pinoy construction worker.

Kinukumpara kasi ni Mon ang mga Pinoy sa mga Tsinong manggagawa at tila minamaliit nito ang mga kakayahan ng mga pinoy pagdating sa construction. Matatandaan na sinabi ni Mon na tamad at mabagal ang mga pinoy workers.

Matapos niyang maglabas ng pahayag agad siyang binatikos ng iilang kababayan at umabot pa sa usapin na mabuti pa na magresign nalang siya bilang opisyal sa Special Envoys to China. Pero walang balak humingi ng patawad si Mon sa nasabing issue at hindi daw siya dapat mag-resign dahil wala naman daw siyang ginawang masama.


Subalit ng mabalitaan ni idol Raffy ang nangyari agad siyang tumawag sa kaniyang programa sa "Wanted sa Radio" at nagbigay ng kaniyang sariling pahayag sa nasabing isyu. Ayon pa ni idol Raffy na nirerespeto daw nila ang kanilang kuya Mon bilang nakakatandang kapatid pero sa ngayon nawala daw ang kaniyang respeto.


“If my brother Mon Tulfo is listening, Kuya Boy, I respect you as my brother pero this time around nawala ang respeto ko sayo. I’m sorry to say this, maling-mali ka Kuya Mon. Tayo ang apelyidong Tulfo ang tagapagtanggol sa mga maliliit, ngayon nilalapastangan mo itong maliliit nating kababayan. Maling-mali ka Kuya Boy, mali ka,” pahayag ni idol Raffy para sa kanyang Kuya Mon.


Sinabi din ni idol na tunay na mang-aapi ang mga tsino pagdating sa construction dahil pinapakayod ang mga trabahanteng pinoy pero kulang sa pasahod. Dagdag din ni idol na kung hindi dahil sa mga maliliit na mga manggagawa, hindi makilala ang kanilang apelyidong "Tulfo" na mga sumbungan ng mga inaapi.



Dahil sa ginawa ni idol, mas marami ang bumilib sa kaniya na pinili itong pumanig sa tama maski ang ibig sabihin nito ay kalabanin ang nakatatandang kapatid. Pinakita ni idol na wala siyang kinakampihan kahit kanino man basta't pagdating sa mga manggagawang pinoy.
Raffy Tulfo, umalma sa kapatid na si Mon dahil sa kontrobersyal na pahayag Raffy Tulfo, umalma sa kapatid na si Mon dahil sa kontrobersyal na pahayag Reviewed by ­ on March 13, 2019 Rating: 5