Header AD

Raffy Tulfo, personal na nag-abot ng tulong sa pamilya ni Christine Silawan

Personal na binisita ni Raffy Tulfo ang pamilyang naiwan ni Christine Silawan, ang 16-anyos na walang-awang pina\tay at hinihinalang ginaha'sa at binalatan ang mukha noong March 11, 2019.

Ayon sa facebook post sa page ni idol Raffy nito lang March 23, 2019 personal niyang dinalaw ang pamilya at na-kwento sa kaniya ng nanay ni Christine kung gaano kasipag at kabait na anak si Christine.


Pangarap daw ng bata ay makapagtapos sa pagaaral para maging stewardess para makakatulong sa pamilya.


Ayon pa sa nanay ni Christine na mahirap na nga daw sila mas lalo pa silang naghirap ngayon dahil sa nangyari sa kanilang anak.


Ipinakita rin ni nanay kay idol ang munti nilang tirahan kung saan nagsiksikan ang pamilya. Butas na ang kisami at wala din daw itong kusina at paliguan.


Sa nasaksihan ni idol hindi niya mapigilan ang sarili na maging malungkot sa kalagayan ng pamilya. Kaya nito lang March 25 ay nagpadala ng tulong si idol para ipagawa ang sira-sirang bahay ng pamilya at binigyan din ni idol ng pangkabuhayan showcase ng saganun ay may munti silang panghanap-buhay.

Source: Raffy Tulfo in Action
Raffy Tulfo, personal na nag-abot ng tulong sa pamilya ni Christine Silawan Raffy Tulfo, personal na nag-abot ng tulong sa pamilya ni Christine Silawan Reviewed by ­ on March 29, 2019 Rating: 5