Header AD

Pres. Duterte, humingi ng tulong sa Singapore para sa plantang kayang gawing inumin ang tubig dagat

Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang pamahalaan sa anomang payo mula sa Singapore, kaugnay ng kinahaharap na usapin ng bansa sa supply ng tubig sa Metro Manila.

Naglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang kaniyang pamahalaan sa anomang payo mula sa bansang Singapore kaugnay ng kinahaharap na usapin ng bansa sa supply ng tubig lalo na sa Metro Manila.

Kasabay ng presentation of credentials ni Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong sa MalacaƱang, sinabi ng Pangulo na kailangan ng bansa ang mga payo mula sa Singapore, lalo sa usapin sa tubig.


Nagkulang ang suplay ng tubig ng Manila Water dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam, ang emergency source nito, sa gitna ng kawalan ng ulan, at pagtaas ng pangangailangan ng mga konsumer.

Sa lumulobong populasyon ng Metro Manila, natural na bi­bilis­ ang pagkonsumo ng tubig. Lalo’t marami ang pawis ang puhunan sa trabaho, kailangang mapalitan ang tubig sa kani­lang katawan. Kapansin-pansing hindi handa si Juan Dela Cruz sa pagdating ng krisis na ito.

Ayon naman ng Pangulo tiwala siyang malayo ang mararating ng mga payo na ito sa pagtugon ng problema ng Pilipinas sa tubig, lalo’t isa ang Singapore sa mga bansang may pinaka-epektibong makina upang matanggal ang asin sa tubig alat para magamit ito bilang inumin.



Hangad rin ng Pangulo ang pagiging produktibo ng pananatili sa bansa ng bagong Singaporean Ambassador, kasabay ng pagsabing nagagalak siya sa pagdating nito sa Pilipinas.

Ang Singapore ay kilala sa paggamit ng makabagong innovation, kung saan gumagamit sila ng recycled water para sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Source: RadyoPilipinas
Pres. Duterte, humingi ng tulong sa Singapore para sa plantang kayang gawing inumin ang tubig dagat Pres. Duterte, humingi ng tulong sa Singapore para sa plantang kayang gawing inumin ang tubig dagat Reviewed by ­ on March 21, 2019 Rating: 5