Header AD

NCRPO Chief Eleazar 'di napigilan ang sarili, sinabunutan at dinibdiban ang 'Kotong Cop'

Hindi na napigilan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar matapos mahuli sa isinagawang entrapment-operation ng Regional Special Operation Unit ng NCRPO ang isang pulis sa isang fast-ood sa Pasig City dahil sa reklamong pangingikil.

Kinilala ang kotongerong pulis na si Police Cpl. Marlo Quibete. Nakuha ng mga otoridad ang P20,000 na mark money galing sa nasabing pulis.

Si Quibete ay na assign sa Eastern Police District (EPD) District Drug Enforcement Unit.


Ayon sa report, nanghingi daw ng datung si Quibete kapalit ng kalayaan ng isang nahuli sa isang operasyon na si Aries Ochoada. Nagsumbong sa otoridad ang kinakasama ni Ochoada na si Eva Cabansag.

“Hiningan kami ng P200,000. Sabi ko, ‘di ko kaya. Sabi P100,000 na lang, hindi pa rin kaya. Kung ano na lang meron kami. May pinapirmahan pang deed of sale nung motor naming na kunwari binenta ko sa kanila,,”


Lumalabas pa sa imbestigasyon ng NCRPO na sangkot din umano ang iba pang tauhan ng EPD-DDEU, pati ang hepe ng mga ito.

PANOORIN:



Lahat ng pulis sa nasabing unit ay ipinatatanggal na ni NCRPO Chief Eleazar at maaring maharap sa roberry at extortion.
NCRPO Chief Eleazar 'di napigilan ang sarili, sinabunutan at dinibdiban ang 'Kotong Cop' NCRPO Chief Eleazar 'di napigilan ang sarili, sinabunutan at dinibdiban ang 'Kotong Cop' Reviewed by ­ on March 06, 2019 Rating: 5