Header AD

Modern Typhoon-Resistant Warehouse, pinatayo ng Gobyerno

Ibinida ni Manny Piñol ang Secretary ng Department of Agriculture (DA) ang inagurasyon ng kauna-unahang monolithic dome sa bansa.

Ang nasabing Dome ay magsisilbi bilang warehouse para sa mga grans sa DA Experimental Station sa probinsiya ng Cagayan.

Ayon pa ni Piñol ang paggastos ng gobyerno ng milyon-milyon para ipagawa at mapanatili ang mga lumang istruktura at warehouse na nasisira ng bagyo ay matatapos na.


Ang nasabing proyekto ay kaya raw makipagsabayan ng signal no. 5 na bagyo. Ang dome ay kayang gawin ang maayos na temperatura sa loob nito.

“While the temperature outside when I arrived at 3:30 p.m. was a scorching 36C degrees, it was only 21C inside the Monolithic Dome,”


Ang mga modernong dome ay desinyo ng mga German Engineers. Ang monolithic dome ay nagkakahalaga ng P10 Million at naipatayo sa loob lamang ng ilang buwan.

Ang unang walong-units ng mga nasabing warehouse ay balak ipatay sa mga rehiyon na madalas tamaan ng mga bagyo. Meron din daw na mga dome na nagkakahalaga ng P5-million pero maliit at itinatayo na sa rehiyon ng Cagayan Valley.

Ang mga dome ay suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino.
Modern Typhoon-Resistant Warehouse, pinatayo ng Gobyerno Modern Typhoon-Resistant Warehouse, pinatayo ng Gobyerno Reviewed by ­ on March 30, 2019 Rating: 5