Header AD

Misis, nagmamakaawa sa kabit na may dalawa ng anak sa kaniyang mister

Maluha-luha ng lumapit si misis kay Raffy Tulfo para ireklamo ang kaniyang mister na hindi na nagparamdam dalawang taon na ang nakalipas.

Kinilala ang complainant na si Annabel Lagdamin ang kaniyang reklamo ay tungkol sa kaniyang mister at sustento para sa kanilang mga anak. Ayon pa ni Annabel ang kaniyang mister ay bigla nalang daw nanlamig sa kanilang relasyon.


Nagtaka si Annabel dahil minsan nalang itong umuuwi sa kanilang bahay si mister at dumating ang panahon na hindi na ito nagpapakita sa kanilang mga anak. Noong nakaraang taon lang din daw nalaman ni Annabel na may iba nang kinakasama si mister dahil sa Facebook.

Si Annabel at kaniyang mister ay kasado at may tatlong anak.


Nabalitaan nalang din daw ni misis na may dalawa na palang anak si mister at sa kabit na si Jergen Dalida. Si Jergen ay proud pa nang sabihin kay idol Raffy habang iniinterbyu na may dalawa na daw silang anak.

Pinangaralan si Jergen ni idol na 101% sila ay makukulong kung magsampa ng reklamo ang legal na misis dahil sa kanilang ginawa.


Pero palusot pa ni Jergen pinagsabihan nya na daw ang mister ni Annabel na kung maaari ay umuwi nalang ito sa kaniyang pamilya pero hindi daw pumayag si mister dahil aniya may ibang kalaguyo na daw si misis at nahuli niya daw ito sa akto.

Pero itinanggi naman ni Annabel ang mga paratang ng kaniyang mister at sa kabit nito.


Ang hiling lang ni Annabel na mabigyan ng sustento ang kanilang mga anak ni mister dahil naluluha daw siya kapag narinig niya ang mga tanong ng kaniyang mga anak kung bakit hindi nagbibigay ng pera ang kanilang ama para makakain sila ng maayos.



Sinabihan naman ni idol Raffy si Jergen na kung maaari ay makipag-coordinate ang kaniyang mister sa kaniyang legal na misis at mabigyan ng sustento ang kanilang mga anak dahil kung hindi, gagawa sila ng aksyon upang sila ay makulong.

Source: Raffy Tulfo in Action
Misis, nagmamakaawa sa kabit na may dalawa ng anak sa kaniyang mister Misis, nagmamakaawa sa kabit na may dalawa ng anak sa kaniyang mister Reviewed by ­ on March 02, 2019 Rating: 5