Header AD

Mag-amang pulubi, pinapakain ng Jollibee sa babaeng ito

Viral ngayon sa social media ang hinahangaang babae matapos niyang magpakita ng kabutihan sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapakain niya sa mag-amang nagmamalimos sa labas ng fast-food chain.

Ang mga larawan at video na inupload ni Alexiefe Sulit Cataquiz agad nag-viral nang pinakain ng babae ang mag-ama.

Maraming netizens ang humunga sa pinakitang kabutihan sa hindi pa nakilalang babae. Ayon pa sa caption Cataquiz “Shoutout po kay ate.. napakabuti po ng puso nyo..talagang binigyan nyo pa ng sariling order ang mag.ama na nakita nyong namamalimos sa may harap ng #jollibee.


Dagdag pa niya na hanga siya sa babae at sana’y marami pa umanong kagaya nito na handang tumulong sa iba.

“Pinapasok nyo at binigyan ng magandang hapunan. Sadyang marami pa din talaga ang mga taong kagaya nyo.. saludo ako sa ipinakita nyo.. ganito ang dapat nagviviral sa social media. Sila ang mga taong dapat tularan.yung mga taong hindi puro salita lamang.”


Sa video, makikitang inasikaso ng babae ang mag-ama at binilhan sila ng kanya- kanyang makakain.

Hindi araw-araw nakakakita tayo o kahit sa social media ng mabubuting gaain. At gaya ng ginawa ng babae, tunay na kinahangan ito ng lahat.



Marahil maliit na bagay lang ito, ngunit malaking bagay na ito para sa kanyang tinulungan dahil nagkaroon sila ng pagkakataon makatikim ng masarap na pagkain.

Source: FilipinoClip
Mag-amang pulubi, pinapakain ng Jollibee sa babaeng ito Mag-amang pulubi, pinapakain ng Jollibee sa babaeng ito Reviewed by ­ on March 07, 2019 Rating: 5