Header AD

Mag-amang naka-PAA lang na umakyat sa stage; viral sa social media

Marami sa ating mga mamamayan particular sa mga magulang at mag-aaral na ang pangunahing sagwil o hadlang sa pagkakaroon ng tamang edukasyon ay ang kahirapan.

Sa biglang tingin at hindi na pag-aaralan ang bagay na ito, maaaring totoo na ang kahirapan nga ang siyang dahilan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral o hindi makatuntong man lamang kahit sa unang taon sa mataas na paaralan ang isang mag-aaral.

Katulad nalang sa mag-amang ito na naging viral ngayon sa social media ang mga larawan dahil walang suot na tsenilas o naka-PAA lang ang mag-ama habang naglalakad sa isang 'gym' kung saan ginanap ang pag-graduate ng mga bata.


Ayon pa sa caption ni Nanuya Lasud Eida, kahit mahirap o mayaman, naka paa o naka-sapatos, may damit na bago o wala ang importante daw ay nakapagtapos ng pag-aaral.

Dagdag pa ni Eida kuha umano ang mga larawan sa Brgy Fortuna, Socorro, Oriental Mindoro.

"Nakita kulang eto sa news feed ko kaya binihagi kulang dahil Nakaka proud...proud dahil wala sa yaman o Mahirap,naka paa o naka sapatos, may damit na bago o wala ang importanti ay nakapag tapos ng pag aaral..."


Ayon ni Eida pitong ilog pa daw ang lalakbayin ng mag-ama kada-araw para makapasok sa eskwelahan ang bata.

Habang lalakbayin ang bahay pauwi, naka-PAA lang ang mag-ama.

Ang nasa larawan na mag-ama ay nakakuha ng papuri ng mga netizens. Ang shares ay umabot na din ng 83,000 wala pang 24oras.
Mag-amang naka-PAA lang na umakyat sa stage; viral sa social media Mag-amang naka-PAA lang na umakyat sa stage; viral sa social media Reviewed by ­ on March 25, 2019 Rating: 5