Header AD

Ina, nagmamakaawang umiiyak na bumalik ang anak na pumanaw dahil sa sakit

Ina, nagmamakaawang umiiyak na bumalik ang anak na pumanaw dahil sa sakit

Di napigilan ang sarili ng isang ina dahil sa kaniyang anak na pumanaw dahil sa sakit na tigdas.

Kinilala ang anak na si John Brylle, ayon pa ulat huli na daw ng madala ng mga magulang sa ospital ang anak upang mapatingnan sa doktor.

Karga pa ng tatay ang walang buhay niyang anak.

Walang humpay sa pag-iyak ang mga magulang ni John lalo na sa kaniyang ina.

Maraming netizens ang naging emosyonal ng makita ang video kung saan makikita ang nagmamakaawang nanay na sana dumilat ulit ang bata ng makasama ulit nila.


Hindi naman mabitaw bitawan ng tatay ang kanyang anak. Kahit na inilapag na niya ito sa malamig na lamesa ay mahigpit pa rin ang pagkakayapos niya dito.

Nang pilit ng inilalayo ng mister ang nanay ng bata ay nagpumilaglas na ito dahil hindi daw niya iiwan doon ang anak.



Dalamhati at sobrang sakit ang mararamdaman sa tagpong iyon.

Tumulong na rin ang ilang kamag-anak nila upang damayan at amuin ang nanay ng bata na halos hindi na bumitaw sa anghel.
Ina, nagmamakaawang umiiyak na bumalik ang anak na pumanaw dahil sa sakit Ina, nagmamakaawang umiiyak na bumalik ang anak na pumanaw dahil sa sakit Reviewed by ­ on March 10, 2019 Rating: 5