Header AD

Hapon na iniwan ni misis noon dahil namulubi, binisita si idol Raffy

Muling binisita ni Hiroyuki Saito si idol Raffy Tulfo sa kaniyang programa. Matatandaan si Hiroyuki ay humingi ng tulong noon kay idol para makausap ang kaniyang asawa.

Si Hiroyuki at kaniyang mga anak ay iniwanan ng kanilang ilaw ng tahanan matapos sumama sa lalaking mas bata pa sa kaniyang asawa.

Sa tulong ni idol nagkaharap naman ang dalawang panig pero hindi na nabigyan ng ikalawang pagkakataon para sila ay magkabalikan pero nangako naman ang kaniyang misis na hindi na siya babalik sa kaniyang kabit.


Ilang buwan lang matapos ma-ere ang problema ni Hiroyuki sa social media agad bumuhos ang kaniyang swerte at nakahanap na rin ng magandang trabaho na ngayon ay kumikita na ng P90,000+ kada-buwan.

Sa muling pagkikita ng dalawa nina idol Raffy at Hiroyuki ikweninto ni Hiroyuki na maganda na ang kabuhayan nila kasama ang kaniyang mga anak.


Nabigyan niya na rin ng magandang buhay ang kaniyang mga anak kung dati ay humihingi pa sila ng pagkain ng kanilang kapitbahay para lang makakain kada-araw.

Ayon pa sa bagong update ni Hiroyuki napagkasunduan nila ng kaniyang misis na hatiin ang kanilang anak. Pero matatandaan na si misis ay nangako noon na hiwalayan na niya ang kabit pero sumbong pa ni Hiroyuki hindi ito ginawa ng kaniyang misis bagkus masaya pa itong nagkasama hanggang ngayon.


PANOORIN:



Naging masaya naman si idol ng mabalitaan ang bagong-buhay ng hapon at ang pamilya nito. Handa rin daw tutulong si idol kung ano man ang kanilang hiling.

Source: Raffy Tulfo in Action
Hapon na iniwan ni misis noon dahil namulubi, binisita si idol Raffy Hapon na iniwan ni misis noon dahil namulubi, binisita si idol Raffy Reviewed by ­ on March 01, 2019 Rating: 5