Header AD

Grade 1 lang ang natapos sa elementarya, pero multi-millinaire ngayon

Matatandaan pa sa mga isipan ng bawat isa sa atin noong tayo'y bata pa ang mga sinasabi ng ating mga magulang na wala silang maipapamana sa atin kundi ang pagtatapos sa edukasyon. Ito lang kasi ang bagay na hindi mananakaw kahit kaninu man.

Madali lang kasi makahanap ng trabaho kung may baon kang edukasyon, kaya naman todo ang sakripisyo ang binibigay ng ating mga magulang para lang makapagtapos sa pagaaral.

Pero minsan may mga magulang na hindi lahat may kakayahan para makapag-aral ang mga anak. Sa sobrang hirap kasi sa buhay minsan ang mga anak ay tutulong nalang para maghanapbuhay.


Pero may iba naman na hindi nakapagtapos sa pagaaral pero nagtagumpay naman sa buhay. Minsan hindi na kailangan ng diploma para magtagumpay minsan may marunong dumiskarte sa buhay para maka ahon sa kahirapan.

Katuload nalang sa lalaking ito na taga-ibang bansa, anim na taon gulang pa lamang si Saipol Azmir Zainuddin nang siya'y nakahinto sa pagaaral dahil pangarap niyang maging isang magsasaka.


Bata pa lamang daw noon si Saipol ay alam na niya ang kalakaran ng tunay na buhay. Hindi katulad sa ibang bata na mahilig makipaglaro at gawing hindi malilimutang ang kanilang kabataan. Pero si Saipil pinili niyang magsumikat at naging batak sa pagtatrabaho.

Dahil lang sa pag-aalaga ng baka kumikita na siya ng P10,000. Bata palang daw siya ay marunong na siyang mag-alaga ng mga baka. Dahil sa angking galing at talino sa pag-aalaga ng baka, nagkaroon siya ng mahigit 300 na baka at sa edad na 19-anyos nakautang siya ng P1,000,000.


Dahil lumubu ang kaniyang negosyo, kung kaya't kinakailangan niyang magkaroon ng sakahan, tinulungan siya ng isang organisasyon at pinalago pa ang kaniyang negosyo at noon na 300 palang na baka ang kaniyang inaalagaan nadag-dagan pa ito ng 450 na baka, 30 na kambing at 30 na buffalo sa edad na niyang 33-anyos. Dahil doon kumikita na siya ng P12,000,000 kada buwan.


Talaga namang madiskarte sa buhay ang tao kung paano mo tiningnan ang iyong sitwasyon sa buhay. Hindi masusukat sa taas na pinag-aralan ang iyong tagumpay sa buhay. Hindi mo kasalanan na pinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo kung ililibing kang mahirap.
Grade 1 lang ang natapos sa elementarya, pero multi-millinaire ngayon Grade 1 lang ang natapos sa elementarya, pero multi-millinaire ngayon Reviewed by ­ on March 10, 2019 Rating: 5