Header AD

Dalagita dahil sa malubhang sakit, pinabayaan nalang ng sariling pamilya; Raffy Tulfo umaksyon

Lumapit kay idol Raffy Tulfo sa programang 'Wanted sa Radio' ang tiyahin na si Reachel Mingueto para humingi ng tulong sa kaniyang mga pamangkin na hindi nagbibigay ng sustento para sa chemo ng kanilang kapatid.

Si Raquel ay na-dialysis simula pa noong buwan ng Septyembre dahil sa kidney chronic disease at iniwan nalang sa pangangalaga ng kaniyang tiyahin na si Reachel ang kapatid ng kaniyang ama.

Si Raquel ay pinabayaan nalang ng kaniyang mga kapatid at ng kaniyang ama sa kaniyang tiyahin.


Ayon pa ng tiyahin na si Reachel matagal na daw na hindi nagbibigay ng sustento ang kaniyang mga pamangkin at puro nalang ito pangako kaya napilitan siyang lumapit kay idol. Hindi naman daw makabigay ang kaniyang kapatid ang ama ng kaniyang mga pamangkin dahil matanda na din ito at kumakayod nalang para sa pamilya.


Pinangaralan naman ni idol ang ama at ang mga kapatid ni Raquel at sinabihan na hindi obligasyon ni Reachel ang pangangalaga nito sa kaniyang pamangkin dahil meron itong mga kapatid at mga magulang na sila ang dapat mangalaga. Tinulungan na nga ng tiyahin ang pamangkin pero ang mga kapatid parang bulag at bingi na hindi man lang mag-abot ng sustento para makakatulong na din sa kanilang tiyahin at kapatid.



Hindi naman nagkamali sa paglapit ang tiyahin dahil agad umaksyon si idol Raffy at binilhan ng gamot si Raquel ni idol. Binigyan din ng pera ang tiyahin para sa kaniyang pamilya.

Ang malungkot na hitsura ni Raquel ay napalitan ng ngiti dahil sa aksyon ni idol.

Source: Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel
Dalagita dahil sa malubhang sakit, pinabayaan nalang ng sariling pamilya; Raffy Tulfo umaksyon Dalagita dahil sa malubhang sakit, pinabayaan nalang ng sariling pamilya; Raffy Tulfo umaksyon Reviewed by ­ on March 11, 2019 Rating: 5