Header AD

Batang may malubhang karamdaman, binigyan ng agarang aksyon ni idol Raffy

Binigyan ng agarang aksyon ang isang grade-10 na batang babae ni idol Raffy Tulfo matapos itong nakaramdam ng malubhang sakit sa katawan. Dahil sa sakit ilang buwan na daw itong hindi nakakalakad.

Si idol Raffy Tulfo ay papasok na sana sa kaniyang opisina ng makita niya si Petal na nakapila at hinang-hina na kaya kinausap ito ni idol at tinanong kung ano nangyari at tinanong kung ano ang tulong na maibigay ni idol.

Ayon sa nanay at tatay ni Petal ilang buwan na daw ang sakit ng bata at hindi nila alam kung ano ang sanhi nito. Naging sagabal daw ang sakit ng bata sa pagaaral nito at pati pagpunta ng C.R ay kinakarga pa sya ng kaniyang ama.


Hindi naman nagkamali na lumapit ang pamilya kay idol dahil agad sila binigyan ng aksyon ni idol Raffy at tinawagan ang doktor ng St. Lukes Medical Center para mapa-kunsulta ang bata.


Si Petal ay ilang araw lang nananatili sa loob ng ospital at binisita ng personal ni idol Raffy at binigyan ng prutas. Ang bata ay masigla na at tila wala na itong nararamdaman na sakit.


Pinangakuan din ni idol Raffy ang pamilya na kung tuloy-tuloy na ang pag-galing ng bata ay ipapasyal ang kanilang pamilya at sagot na ni idol Raffy ang lahat.



Ang ina at ama ni Petal ay maluha-luhang nagpapasalamat dahil sa kabutihan na ginawa ni idol. Kung hindi daw dahil kay idol ay di nila alam kung ano ang kanilang gagawin at paano gumaling ang kanilang pinakamamahal na anak.

Source: Raffy Tulfo in Action
Batang may malubhang karamdaman, binigyan ng agarang aksyon ni idol Raffy Batang may malubhang karamdaman, binigyan ng agarang aksyon ni idol Raffy Reviewed by ­ on March 23, 2019 Rating: 5