Header AD

Barangay Tanod. nakapagtapos ng Civil engineering at ga-graduate bilang Cum Laude

Napakalaking totoo na ang kahirapan sa buhay ay hindi talaga hadlang para makamtan ang tugatog ng tagumpay magsikap lang at mag tiyaga sa buhay para ay mag tatagumpay.

Tulad nalang sa isang binatilyo na isang baranggay tanod ng kanilang Barangay. Kinilala ang binata na si Janryl Judilla Tan 23-anyos at barangay tanod ng Brgy. Kalubihan, Cebu City.

Bukod kasi na magtatapos siya sa kursong Civil Engineering mag ga-graduate pa siya bilang Cum Laude.


Si Janryl ay ilang taon nagse-serbisyo sa kanilang barangay. Nag-working student siya sa gabi at sa araw naman siya ay nag-aaral.

Ayon ng kaniyang Brgy. Chief na si Rex Millan, pinagsabay ni Janryl ang pagaaral at ang pag-serbisyo nito sa kanilang barangay, ganyan daw kasipag si Janryl at kahanga-hanga pa.


Maliban sa pagiging tanod naging operator din daw ang binata sa kanilang CCTV ng barangay at naging treasurer ng Sangguniang Kabataan.



Ang kaniyang ama ay isang "Lupong tagapamayapa" ang trabaho nito at nag sideline sa pagiging habal-habal driver. Kaya ganun nalang ang subrang paghanga nila sa kanilang anak. Dahil hindi hadlang ang kanilang kahirapan makamit lang ang tagumpay na matagal na nilang pinapangarap.
Barangay Tanod. nakapagtapos ng Civil engineering at ga-graduate bilang Cum Laude Barangay Tanod. nakapagtapos ng Civil engineering at ga-graduate bilang Cum Laude Reviewed by ­ on March 20, 2019 Rating: 5