Header AD

Barangay Kapitan na boluntaryong naglinis sa paligid, inulan ng papuri

Viral ngayon sa social media ang isang matandang lalaki na namumulot ng mga basura sa gilid ng kalsada at 'di alintana ang tirik na tirik na araw.

Ayon pa sa nag-upload ng mga larawan na si Mamayads Bayot Papajay aniya sa unang tingin daw ay akalain mong namumulot lang ang matanda ng mga plastic na pwedeng maibenta.


Ngunit ang lalaking tinutukoy ay isa palang barangay kapitan at kinilalang si Kapitan Welfredo “Molong” Villacastin ng Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental.


Dagdag pa ni Mamayads nakagawian na daw ito ng kanilang barangay captain ang araw-araw na paglilinis sa paligid ng kanilang barangay. Maaga palang ay naglinis na daw ito sa paligid. Madali rin daw lapitan ang kanilang kapitan sa tuwing may hihilingin sila.

“Siya lang naman ang brgy.captain na makikita mong kumikilos kahit malayo pa ang eleksyon,” ayon pa ni Mamayads.


Mas kabilib-bilib pa umano agn kapitan dahil mas inuuna pa nito ang pangangailangan ng kanilang komunidad kaysa sarili.

Hindi alam ng kapitan na kinunan na pala siya ng litrato at inupload sa social media kaya ito nag-viral at umani ng papuri ang nasabing kapitan.
Barangay Kapitan na boluntaryong naglinis sa paligid, inulan ng papuri Barangay Kapitan na boluntaryong naglinis sa paligid, inulan ng papuri Reviewed by ­ on March 04, 2019 Rating: 5