Header AD

Ang huling show ni Chokoleit sa Abra bago pumanaw sa edad na 46

Pumanaw na ang komedyanteng si Chokoleit matapos ang performance sa isang out of town show sa Abra kasama ng ibang entertainers Sabado ng gabi.

Kinumpirma ito ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng isang statement ngayong madaling araw, March 10

Sinasabing nakaranas ng hirap sa paghinga si Chololeit matapos ang kanyang performance.

Pagkatapos raw ng kanyang performance ay nahirapan itong huminga.

Ito ang kabuuan ng statement ng Star Magic:

"Details are still being gathered. Chokoleit was performing in an out of town show in Abra, and experienced difficulty in breathing after his performance."


Nakilala si Chokoleit sa kanyang role bilang Pearly Shells sa fantaseryeng Marina noong 2004.

Samantala, sa Facebook post ng aktor at singer na si Carl Guevarra na kasama sa show, sinabi nito na hindi siya makapaniwala na namatay na si Chokoleit.


Nagperform anya ang komedyante pagkatapos nila at nakita nila kung paano ito tila hirap at naghahabol ng hininga sa kabuuan ng kanyang palabas.



Nadala pa umano si Chokoleit sa ospital sa Vigan pero nalaman nilang yumao na ito.

Nakilala si Chokoleit sa mga pelikula at shows ng ABS-CBN lalo na sa fantaserye na “Marina” noong 2004.
Ang huling show ni Chokoleit sa Abra bago pumanaw sa edad na 46 Ang huling show ni Chokoleit sa Abra bago pumanaw sa edad na 46 Reviewed by ­ on March 10, 2019 Rating: 5