Header AD

Part-2 | Pag surpresa ni idol sa anak sa isang OFW sa Davao Oriental

Pinalabas na ng Raffy Tulfo Team ang ikalawang video kung saan binisita ni idol Raffy sa personal at para surpresahin ang anak ng isang OFW na galing pa sa Dammam Saudi Arabia.

Sinamahan ni idol Raffy sa personal si Ajelou Masayao sa kanilang bahay sa Mati, Davao Oriental para surpresahin ang nag-iisa niyang anak sa kaniyang paguwi, Si Ajelou ay dating domestic helper at ilan taon na rin sa ibang bansa.


Balak kasi niyang umuwi sa paparating na Marso ngayong taon para sa graduation day ng kaniyang anak pero napaaga ang kaniyang paguwi matapos ma expired ang kaniyang dokumento na Iqama.


Matatandaan sa part-1 ng video si Ajelou ay humingi ng tulong kay idol para pamasahe lang sana pauwi sa kanilang probinsiya. Naubos daw kasi ang P3,000 niyang dala sa kaniyang pinapasokang bahay ng kaniyang kamag-anak sa Manila.


Tinupad naman ni idol ang hiling ni Ajelou na surpresahin ang kaniyang anak pero naging especial pa ang kaniyang pag-uwi matapos sabihin ni idol na sasamahan siya.

PART-1



PART-2


Napag-desisyunan rin ni idol na bibigyan siya ng sari-sari store para hindi na siya pumunta pa sa ibang bansa at dito nalang titira kasama ang kaniyang anak.

Source: Raffy Tulfo in Action
Part-2 | Pag surpresa ni idol sa anak sa isang OFW sa Davao Oriental Part-2 | Pag surpresa ni idol sa anak sa isang OFW sa Davao Oriental Reviewed by ­ on February 23, 2019 Rating: 5