Header AD

Pangulong Duterte, namahagi ng titulo ng lupa sa Maguindanao

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa o Certificate of Land Ownership Award (CLOA) para sa mga magsasaka at sa mahihirap na pamilya sa probinsya ng Maguindanao.

Sa Buluan Maguindao gagawin ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga benepisyaryo.

Habang katuwang naman ng Pangulo ang pamamahaga ng CLOA ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao.

Sa pangunguna ni Governor Esmael "Toto" Mangudadatu, kasama rin ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform at nang Department of Agriculture at ilang mga cabinet secretaries.


Kasabay sa pamimigay ng CLOA, posibling babanggitin rin ng Pangulo ang magiging kahinantnan ng ARMM.

Bago lang ay nagpaalam na at nagpasalamat ang mga kawani at opisyal ng ARMM sa pangunguna ni Gov Mujiv Hataman sa tinuturing nilang huling flag retreat.

Kabilang sa inaasahan ang anunsyo ng Presidente sa listahan ng mga uupong myembro ng transition government sa bubuuhin na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng ARMM.

Sa ngayon ay mas pinaigting pa ng militar at pulisya ang seguridad sa bayan ng Buluan Maguindanao sa pagbisita ng Presidente alas 2:00 ng hapon mamaya.

Source: BOMBORADYO
Pangulong Duterte, namahagi ng titulo ng lupa sa Maguindanao Pangulong Duterte, namahagi ng titulo ng lupa sa Maguindanao Reviewed by ­ on February 11, 2019 Rating: 5