Header AD

Mister at limang anak, pinagpalit ni misis sa iba

Lumapit sa TV5 ang mister kasama ang apat na anak para makausap ang misis na may iba na daw na kinakasama. Hiling ng mga anak na sana bumalik na ang ilaw ng tahanan.

Kinilala ang mister na si Alvin Aranches isang karpintero. Si Alvin at kaniyang misis ay may limang anak. Ayon pa sa kaniyang reklamo palaging may ka-chat daw ang kaniyang misis.

Na aktohan daw ni Alvin si misis na may ibang kahalikan na lalaki habang naka-duty ito bilang lady-guard. Kinilala naman ang lalaki na si alyas 'Richard' isang security guard at parehas sila ng agency na kanilang pinagtatrabahoan.


Ayon pa ng mister dahil sa kaniyang nakita hindi na daw niya napigilan ang kaniyang sarili at sinugod niya ang lalaking kahalikan ni misis at agad niya itong pinakain ng kamao. Agad naman daw tumakbo ang kaniyang misis dahil sa nangyari pero mga tatlong araw ay bumalik ito sa kanilang bahay.


Naging maayos naman daw ang kaniyang pagtrato ni misis kahit ilang beses na itong nagloko sa kanilang pamilya. Pero kinalaunan ay sumama sa kabit si misis at hindi na ito bumalik.

Dahil wala na ang ilaw ng tahanan palaging nagkasakit ang kanilang bunsong anak at walang nag-aalaga nito. Napagdesisyunan nalang ni Alvin na huminto nalang sa pagtatrabaho para maalagaan ang mga anak. Dahil wala ng trabaho, wala na rin makain kaya naging mapait ang kanilang pamumuhay.


Sa pag-interview ni idol Raffy sa anak nila na lalaki kung ano ang gusto nitong mangyari tungkol sa kaniyang ama at ina pero bigla nalang umiyak ang bata sabay sagot na sana magkabalikan na ang kaniyang ina at ama para makakain na sila ng maayos.


Hiling ni mister na makausap ang misis at matanggal ito sa trabaho pero hindi ito nangyari dahil ayon sa agency matagal na daw na tanggal ang kaniyang misis sa trabaho.

PANOORIN:


Hindi na nagkaharap ang dalawang panig dahil kinalaunan ay nagkabalikan ang dalawa. Bumisita rin daw ang mag-asawa sa opisina ni idol na sweet na sweet.



Maraming netizens ang nagalit sa misis dahil tela sumunod ito sa yapag ni Sheerlyn Gerasta na dati rin inireklamo ng mister dahil sa pangangaliwa nito sa ibang bansa.

Source: Raffy Tulfo in Action
Mister at limang anak, pinagpalit ni misis sa iba Mister at limang anak, pinagpalit ni misis sa iba Reviewed by ­ on February 23, 2019 Rating: 5