Header AD

Misis nagpabuntis sa ibang lalaki pero si mister gusto pang makipagbalikan

Lumapit sa tanggapan ang isang mister para humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo para mapakiusapan ang misis na makipagbalikan sa kaniya.

Sumakabilang bahay daw ang misis ni Mel Jude Abo-Abo at ang masakit pa ay nagpabuntis ito sa ibang lalaki.

Nagtataka si Mel Jud kung bakit siya biglang iniwan at ipinagpalit kay John Balentosa kung tutuusin minahal naman daw niya ng lubusan ang kaniyang misis.


Ayon pa ni Mel Jud umamin daw ang kaniyang misis noong nagkaharap sila sa barangay na may bago ng kinakasama at may nangyari na daw sa kanila ni John at sa kaniyang misis na si Lyngen Abo-Abo.


Pero ayon pa ni Lyngen palagi daw siyang sinasaktan at sinusumbatan ni Mel Jude. Pinipilit din daw siya na makipag**lik ng mister kahit labag sa kaniyang kalooban kaya nagagalit si Mel Jude sa kaniya.


Pero inamin naman ng mister ang kaniyang pagkakamali at handa daw siyang magbago kung sakaling babalik sa kaniya si Lyngen.



Pinapa-desisyon ni idol Raffy si Lyngen kung makipagbalik kay Mel Jude or ipapakulong dahil may basehan na pwede makulong si Lyngen dahil inamin niya mismo na may nangyari na sa kanilang kabit na si John.

Pero nakapag-desisyon na si Lyngen na kaibigan nalang daw ang turing niya kay Mel Jude.
Misis nagpabuntis sa ibang lalaki pero si mister gusto pang makipagbalikan Misis nagpabuntis sa ibang lalaki pero si mister gusto pang makipagbalikan Reviewed by ­ on February 20, 2019 Rating: 5