Header AD

Mga pulis na tinangkang mangikil, pinapa-entrap ni idol Raffy

Dumulog sa programang 'Wanted sa Radio' ang pamilyang Lozada para ireklamo ang mga pulis na tumangkang mangikil.

Ang mga pulis na inireklamo ay nanghihingi umano ng pera at ilang cellphone sa pamilyang Lozada para sa kapalit ng kalayaan nila.

Ayon pa sa kwento ng ina na si Victoria Lozada na bigla nalang daw lumapit sa kanila ang mga pulis at nagtatanong sa kaniyang anak kung siya ba ang taong hinahanap nila pero nagpapakita ng ID ang anak at sinabi na hindi siya ang taong hinahanap ng mga pulis. Pero hindi siya pinakinggan at agad daw siyang pinusasan.


Pinalaya naman kinalaunan ang anak pero may kondisyun daw, hiningan sila ng cellphone at pera.

Ang ina na si Vitoria ay nagpapakita ng mga ebedensya kay Raffy Tulfo na nagpapatunay na ang mga pulis na nabanggit ay nangungutong sa kanila.


Napagdesisyunan agad ni idol Raffy na ipa-entrap ang mga nasabing pulis.


Agad naman nagsagawa ng entrapment operation ang Counter Intelligence Task Force o CITF pero hindi na nahuli ang mga pulis na nangingikil dahil nakatunog daw ang mga ito.

Kinabukasan, kinasohan ang mga nasabing pulis at pina dis-armahan.

/ Youtube / Raffy Tulfo in Action
Mga pulis na tinangkang mangikil, pinapa-entrap ni idol Raffy Mga pulis na tinangkang mangikil, pinapa-entrap ni idol Raffy Reviewed by ­ on February 06, 2019 Rating: 5