Header AD

Lalaki, ginulpi ang sariling motorsiklo matapos umanong hulihin ng traffic enforcer

Gulpi ang inabot ng isang motorsiklo matapos sirain ng may-ari.

Makikita sa viral video ang lalaki at ang kasama nitong babae na umiiyak habang ang lalaki naman ay tinadyakan at tinanggalan ng balat ang motorsiklo na nakahandusay sa kalsada.

Maya-maya lang hindi pa nakuntento ang lalaki at hinampas pa niya ito ng bato.

Ayon pa sa facebook post ng isang netizen, sinira ng may-ari ang kaniyang motorsiklo matapos umanong hulihin ng isang traffic enforcer sa hindi pa alam na violation sa kalsada.

PANOORIN:


Habang ginugulpi ng lalaki ang kaniyang motor patuloy namang nagsulat ng ticket ang enforcer para sa violation na nagawa ng rider.

Sa pagsusulat nito hindi pa nakilala ang lalaki sa nasabing video at kung saang bansa ito nangyari. Ang video ay mabilis na kumalat sa social media.
Lalaki, ginulpi ang sariling motorsiklo matapos umanong hulihin ng traffic enforcer Lalaki, ginulpi ang sariling motorsiklo matapos umanong hulihin ng traffic enforcer Reviewed by ­ on February 07, 2019 Rating: 5