Header AD

Kidnaper, inamin na ibebenta nila ang mga bata sa halagang P10,000

Viral ngayon sa social media ang isang babae na nangunguha ng mga kabataan na may edad 12 pataas. Nangyari ito sa lugar ng Parañaque kamakailan lamang. Ang pangalan ng suspek ay si Lilibeth Bustamante.

Ayon sa salaysay ng bata, pinilit siya ni Lilibeth na lumabas sa kanilang bahay para samahan siyang magpaload. Pero laking gulat ng bata dahil hinatak siya ng ginang sa malayong tindahan. Mabuti nalang at nakita sila ng kapitbahay at tinanong si Lilibeth bakit nya kailangang hatakin ang bata.


Sinabi ng bata ang buong pangyayari at agad namang nagtutulungan ang mga kapitbahay para makita ang suspek. Pa simpleng kumain na parang customer si Lelibeth sa karinderya ng tita ng bata. Hindi nagdalawang-isip ang bata na ituro ang suspek dahil sa pulang relo nito na kanyang natandaan habang hinahatak siya ng suspek.


Wala ng magawa si Lilebeth kundi umamin sa kanyang kawalang-hiyaan na ginagawa sa mga bata. Kinanta niya ang kanyang mga kasamahan at mga pinagagawa nito sa mga nakuhang bata.

Ayon pa sa kanya, dinadala nilang ang kanilang mga nakukuha na bata sa casa dahil doon naghihintay ang kanilang mga ped0phile na mga kliyente. 12 ang edad pataas ang kanilang target na kikidnapin.



Dagdag pa niya, sampung libo ang bentahan nila sa mga bata. Handa namang makipagtulungan si Lilebeth sa mga otoridad para madakip ang iba pang mga sangkot sa pandudukot. Kumakapit nalang daw siya sa patalim dahil walang trabaho ang kanyang mister.

Source: Bandela
Kidnaper, inamin na ibebenta nila ang mga bata sa halagang P10,000 Kidnaper, inamin na ibebenta nila ang mga bata sa halagang P10,000 Reviewed by ­ on February 21, 2019 Rating: 5