Header AD

Idol Raffy, sinamahan ang OFW sa Davao Oriental para surpresahin ang anak

Madaling araw pa pumila ang isang OFW na galing pa sa Dammam, Saudi Arabia para humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo na mabigyan ng pamasahe pauwi sa kanilang probinsiya sa Davao Oriental.

Kinilala ang OFW na si Ajelou Masayao single mother at isang domestic helper sa Dammam. Tinanong ni idol Raffy si Ajelou kung bakit biglaan ang kaniyang pag-uwi ayon naman ni Ajelou expired na daw ang iba niyang papeles.


Maliit lang na bagahe ang dala ng OFW nang umuwi sa bansa dahil na 'over baggage' daw ang kaniyang dala at naiwan doon ang iba pa niyang papeles para sana sa pag-apply ulit ng trabaho sa ibang bansa.


Naiwan din ang importanteng pasalubong niya para sana sa nag-iisa niyang anak. Gusto din ng OFW na i-surpresa niya ang kaniyang anak sa kaniyang pag-uwi sa probinsiya kaso walang-wala siyang pera kahit para pamasahe.


Gusto rin ng OFW na makabawi sa kaniyang anak dahil simula sanggol pa ito ay hindi niya naalagaan dahil ilan taon siya sa abroad kaya gusto niyang bumawi.

Hindi naman nagkamali ang paglapit ni nanay kay idol Raffy dahil ang kaniyang kahilingan ay agad tinupad ni idol at may malaking surpresa pa dahil si idol Raffy pa mismo ang makakasama niya papuntang Mati Davao Oriental para surpresahin ang anak.


Bibigyan din siya ng sari-sari store ni idol para hindi na siya mangibang-bansa at maaalagaan na niya mismo ang kaniyang anak.

PANOORIN ANG PART-1 OF 2:



Liblib na kabundukan sa Davao Oriental, tinahak ni idol mapasaya lang ang bayaning OFW.
Maraming netizens ang bumilib sa kabaitan na ipinakita ni idol Raffy.
Idol Raffy, sinamahan ang OFW sa Davao Oriental para surpresahin ang anak Idol Raffy, sinamahan ang OFW sa Davao Oriental para surpresahin ang anak Reviewed by ­ on February 22, 2019 Rating: 5