Header AD

Idol Raffy nagtawag ng 'Bouncer' dahil sa kabit na matapang na humarap sa legal na misis

Matapang na hinarap ni kabit ang misis sa programang 'Wanted sa Radio' ni idol Raffy Tulfo nang inireklamo ni misis ang kaniyang mister dahil hindi nagbigay ng tamang sustento para sa kanilang anak.

Inireklamo kasi ni misis si mister na si Reynante Nicoleta dahil ilang buwan na itong hindi nagbigay ng sustento para sa kanilang anak. Aniya pa ni misis kung nakapapakain si mister sa anak ng kaniyang kabit pero hindi ito magawa para sa kanilang anak.


Pero biglang nagulat ang Raffy Team ng pumasok na sa loob para interbyuhin ang lalaki at dala pala ni Reynante ang kaniyang kabit kaya agad nagpatawag ng bouncer si idol para maiwasan ang gulo sa loob.


Kinilala ang kabit na si Vanessa Fajardo, si Vanessa ay proud pa daw na isa siyang kabit at tanggap niya daw yun. Agad naman dinuduro ni misis si Vanessa at tinanong kung bakit niya pinatulan ang kaniyang mister kahit alam naman niya na may asawa na ito at anak.


Pero palusot ni Vanessa hindi naman daw naging sila ni Reynante noong una dahil alam niya rin na may asawa si Reynante at doon nalang daw siya pumatol ng nalaman niya na wala ng relasyon si mister at ng misis nito.


Dagdag pa ni Vanessa may ka live-in na daw si misis sa iba at sinabihan pa siya na bahala na kung ano ang gagawin nilang dalawa ni Reynante basta walang pakialaman

Naging mainit ang takbo ng dalawang panig ng magsalita na ang mga kapatid ni misis. Panoorin ang buong detalye sa taas.

Source: Raffy Tulfo in Action
Idol Raffy nagtawag ng 'Bouncer' dahil sa kabit na matapang na humarap sa legal na misis Idol Raffy nagtawag ng 'Bouncer' dahil sa kabit na matapang na humarap sa legal na misis Reviewed by ­ on February 28, 2019 Rating: 5