Header AD

Hapon na namulubi noon dahil iniwan ng pinay, may bago ng hanap-buhay

May bagong update si idol Raffy Tulfo sa dating complainant na isang hapon na nag-viral noon dahil iniwan ng misis at pinagpalit sa ibang lalaki.

Matatandaan natin na si Hiroyuki Saito Tejima na nag-complain kay idol Raffy noon para makausap ang kaniyang asawa na nang iniwan sa kanilang apat na mga anak.

Lumayas kasi si Rodina Tejima dahil pagod na raw siya at sumama sa isang lalake na anim na taong mas bata sa kanya.


Simula ng mawala na ang ilaw ng tahanan sa pamilya hindi na nakapasok sa eskwelahan ang mga bata at naging mas mahirap pa daw ang kanilang pamumuhay dahil minsan nalang sila makakain sa isang araw. Kung walang magbigay na kapitbahay ng pagkain, wala rin silang makain.


Pero simula ng ma-interview si Hiroyuki kay idol marami ang naantig na puso at nagbigay ng tulong sa pamilya Tejima.


Sa ngayon ayon pa sa update ni idol Raffy, may bagong trabaho na daw si Hiroyuki na may sweldo na P90,000 kada-buwan. Marami na rin daw mga babaeng humahabol sa kaniya.

Panoorin ang bagong update:



Simula daw na lumapit siya kay idol nagbago na daw ang kanilang pamumuhay kasama ang apat na anak kahit wala na ang kaniyang asawa.
Hapon na namulubi noon dahil iniwan ng pinay, may bago ng hanap-buhay Hapon na namulubi noon dahil iniwan ng pinay, may bago ng hanap-buhay Reviewed by ­ on February 15, 2019 Rating: 5