Header AD

Grade-10, na-buntisan ang 31-YO na babae

Sumugod si nanay Aileen De Vera na galing pa sa Benguet kay idol Raffy dahil hindi na daw niya matiis ang anak at ang girlfriend. Dahil sa maagang nakapa-buntis ang anak hindi na daw ito naka-focus sa pagaaral.

Ayon pa ni nanay Aileen tanggap naman daw ang babae na si Marichu Galleban lalo na't ito'y buntis. Gusto nila ay papatirahin sa kanilang bahay si Marichu at sila na ang bahala sa gastos basta't mapag-aral lang ang kanilang anak na si Angelo.


Ang gusto kasi ni Marichu na magtrabaho si Angelo (hindi tunay na pangalan) para may pangtostos sila sa pang araw-araw nilang pangangailangan. Pero hindi pumayag ang ina na si Aileen dahil gusto din niya na magpatuloy sa kaniyang pag-aaral ang anak.

Senermonan naman ni idol Raffy ang binatilyo dahil tila naging masama pa ang suggestion ng kaniyang ina dahil ayon pa ni Angelo hindi daw siya mahal ng ina.


Ayon pa ng ina nasasayangan daw siya dahil kapag nagaaway ang kaniyang anak at sa babae, hindi na daw papasok sa eskwelahan ang bata lalo na't matalino pa naman ito.



Sa gitna ng mainit na usapan tungkol kay nanay Aileen at sa anak na si Angelo at kay Marichu, biglang sinisi ni Angelo ang kaniyang ina na si Aileen dahil nagkaganun lang daw siya dahil sa pagkukulang ng kaniyang ina.

Kalaunan naging maayos naman ang lahat dahil sa tulong ni idol Raffy.

Source: Raffy Tulfo in Action
Grade-10, na-buntisan ang 31-YO na babae Grade-10, na-buntisan ang 31-YO na babae Reviewed by ­ on February 09, 2019 Rating: 5