Header AD

Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis, nag-sorry na

Humingi ng sorry at isa pang pagkakataon ang isang chinese student na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT. Sa ngayon patong-patong na kaso ang kaniyang kinakaharap.

Kinilala ang babaeng Chinese national na si Jiale Zhang isang 23-taon gulang. Matatandaan si Zhang ay nagviral sa social media matapos niyang tinaboyan ng taho ang pulis na naka-assign sa MRT.

Nagpaliwanag naman si Zhang sa kaniyang maling nagawa “I was in a bad mood and I was not able to control my emotions.”

“I really admit the mistake I made, and I feel so regretful for it. I’m really, really sorry. And I really ask if it’s possible to have another chance for me.”



Mahigit anim na taon ng naninirahan sa bansa si Zhang. Naging emotional pa siya ng ikinuwento kung bakit siya dito nagpasya na manirahan. “I really like the Philippines, that’s why I stay here. I like the people here. I really love Filipinos, that’s why I stayed here and I like this country.”

Source: GMA News
Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis, nag-sorry na Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis, nag-sorry na Reviewed by ­ on February 12, 2019 Rating: 5