Header AD

Boyfriend lumayas bitbit ang anak dahil sa bungangerang GF; problema ng dalawa inaksyunan ni idol

Lumapit ang babae kay idol Raffy Tulfo para mapakiusapan ang boyfriend na naglayas dala ang 10-months old na anak. Hiling ng babae na sana ibalik sa kaniya ang anak.

Hindi kasado ang dalawa pero may isa na silang anak at pinaalalahanan naman ni idol Raffy ang lalaki na kapag magkahiwalay ang mag live-in partner ay automatic na nasa kustodiya ang bata sa kaniyang ina basta 7-years old pababa.

Pero ayon pa sa babae, hindi daw ibibigay ng kaniyang boyfriend ang bata sa kaniyang pangangalaga kahit ano paman ang mangyari.


Ikwinento naman ng lalaki kung bakit sila nag-aaway ng kaniyang ka live-in dahil masyado daw itong bungangera sa kaniya. Dati ay ok naman daw ang kaniyang sahod sa pagtatrabaho pero nag-iba lang daw simula noong humina ang kaniyang trabaho at doon na daw nag-iba ang trato ng kaniyang kinakasama.


"Kung tratuhin niya ako daig ko pa ang lumpo na hindi makagalaw na walang silbe." ayon pa ng lalaki.


Inamin naman ni girlfriend na mali ang aksyon na kaniyang ginawa sa kaniyang boyfriend pero nagawa niya lang daw yun dahil sa subrang gipit ng sweldo sa kaniyang ka live-in partner na sumasahod nalang sa P2,000 kada linggo.




Pero ang problema ng dalawa agad naman na-sulosyunan ni idol Raffy. Sa huli ay nagkabalikan ang loob ng dalawa.

Source: Raffy Tulfo in Action
Boyfriend lumayas bitbit ang anak dahil sa bungangerang GF; problema ng dalawa inaksyunan ni idol Boyfriend lumayas bitbit ang anak dahil sa bungangerang GF; problema ng dalawa inaksyunan ni idol Reviewed by ­ on February 19, 2019 Rating: 5