Header AD

Binatilyo nagpapasikat, kinagat ang hotdog sa convenience store at hindi nagbabayad

Viral ang binatilyo sa social media matapos kinagat ang ilang hotdog tsaka isinauli sa steamer sa isang sikat na convenience store.

Karamihan sa mga convenience store ay bukas 24/7 at ang cashier lang ang nagbabantay lalo na kapag gabi.

Sa facebook post sa isang page na 'Sikat Ka Na' makikita ang binatilyo na nasa video ay walang pakundangan na pumasok sa tindahan at pumunta sa isang 'hotdog section' na kung saan kadalasan ang sistema ng pagbili ay kukuha ka muna ng hotdog at tinapay, at pagkatapos ay pupunta ka sa counter at doon mo babayaran.


Matapos niyang ginawa agad naman umalis ang binatilyo habang tuwang-tuwa naman ang kumuha ng video.


"Hindi na kayo naawa sa nagbabantay sa tindahan, ikakaltas sa sahod niya yan ginawa niyong trip, ang bata niyo pa dapat sa inyo ikulong mga perwisyo kayo ng lipunan. Dapat talagang ikulong ang mga menor de edad pababa dahil sa pag labag sa batas."

Kaya naman, matapos na mag-viral sa social media ang video ng lalake na ito, na tila menor de edad ay umani ito ng samu't saring komento sa mga netizens.


Ayon kay Gebrien Pasion, napamura nalang siya dahil sa hindi magandang asal na ginawa ng lalake.

"Taena nyo.baboy.need idisinfect yan steamer dahil sa laway mong animal ka.kahit sabhin nyong joke yan bayaran nyo lahat ng laman nyan mga kum*g."


Sabi naman ni Hernandez Sonny, nais niyang maipatupad na kaagad ang 'child liability bill' dahil sa ginawa ng menor na edad sa video.
Binatilyo nagpapasikat, kinagat ang hotdog sa convenience store at hindi nagbabayad Binatilyo nagpapasikat, kinagat ang hotdog sa convenience store at hindi nagbabayad Reviewed by ­ on February 06, 2019 Rating: 5