Header AD

Anak, toyo lang ang ulam; tatay at kabit sa mamahaling restaurant kumakain

Sa mamahaling restaurant daw kumakain ang ama kasama ang kabit habang ang misis at anak nagtiis sa ulam na toyo.

Mangiyak-ngiyak nang lumapit si Ariane Ferrera kay idol Raffy Tulfo para sana makausap ng maayos ang kaniyang mister na kakauwi lang galing sa ibang bansa.

Hindi daw kasi ito nakipagusap ng maayos sa kaniya simula ng umuwi ito sa bansa europe.

Dati pa ay nakita na daw ito ni Ariane sa mga larawan na may ibang kasamang babae si Jonathan Ferrera na isa rin OFW.


Pero hindi inamin ni Jonathan na may relasyon sila sa babae dahil pinapa-selos lang daw nila ang boyfriend nito.

"Jonathan, nag groupchat tayo at umamin. Na develop kayo sa isa't-isa. Pinaikot at binola niyo lang ako hanggang ngayon." ayon pa ni Ariane.

PANOORIN ANG BUONG KWENTO:



"Kahit sana hindi mo nalang ako yung inintindi, yung anak nalang natin. Dahil ako bilang ina, nasasaktan ako na nakatingin sa anak natin na toyo lang ang ulam habang ikaw ay nagho-hotel pa." dagdag pa ni Ariane.

Habang tumatagal mas lalong uminit ang usapan ng dalawang panig.


Sinabihan n iidol Raffy ang dalawa kung maari sa MSWD nalang sila mag-usap at para na rin magkasundo sa tamang sustento ng kanilang anak. Pero mas pinili ni Ariane na kasohan ang dalawa at mapa-deport pabalik sa bansa ang kabit ng kaniyang mister.
Anak, toyo lang ang ulam; tatay at kabit sa mamahaling restaurant kumakain Anak, toyo lang ang ulam; tatay at kabit sa mamahaling restaurant kumakain Reviewed by ­ on February 15, 2019 Rating: 5