Header AD

2-YO palang siyang inampon ng beki, ngayon nais na niyang makilala ang tunay na magulang

Dumulog sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo ang binatilyo para magpatulong para mahanap ang  tunay na mga magulang.

Dalawang taon palang daw ng ampunin si Jake ng isang foster parent na isang beki na nakilalang si Jessica Dacayan. Si Jessica ay tumayong magulang sa loob ng 18-taon.


Napalaki naman ng mabuti si Jake at nakapagtrabaho pero may kulang parin daw ang kaniyang pagkatao dahil umabot nalang daw siya sa edad na 20-anyos hindi pa niya nakilala ang tunay niyang mga magulang lalo na sa kaniyang ina.


Dagdag pa niya naka ilang birthday na siya at hangad niya palagi na sana balang araw makasama na niya o makilala man lang ang kaniyang ina.

Sa interview naman ni idol Raffy kay Jessica tinanong niya ito kung alam ba niya ang tunay na pangalan at kung saan nakatira ang ina ni Jake pero walang maibigay na impormasyon si Jessica dahil siya mismo hindi niya rin alam. Dahil kung alam niya lang daw, siya na mismo ang tutulong kay Jake para makilala ang ina.

PANOORIN ANG BUONG KWENTO:


Akala rin ni Jake noon na nagsi-sinungaling lang ang kaniyang foster parent tungkol sa kaniyang tunay na magulang pero ng malaman na niya ang lahat agad naman siya humingi ng patawad.

Source: Raffy Tulfo in Action
2-YO palang siyang inampon ng beki, ngayon nais na niyang makilala ang tunay na magulang 2-YO palang siyang inampon ng beki, ngayon nais na niyang makilala ang tunay na magulang Reviewed by ­ on February 11, 2019 Rating: 5