Header AD

Trillanes, naghain ng not guilty plea sa kasong libel na isinampa ni Paolo Duterte


Naghain ng not guilty plea sa korte si Senator Antonio Trillanes IV sa kinakaharap na kasong libelo sa Davao City Regional Trial Court (RTC).

Wala umanong balak si Sen. Trillanes na magpa distract sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag kasunod ng pagharap nito sa pagdinig sa kanyang kasong libel.


“Umiikot ang mundo. Ako, tinatanggap ko lang yung hamon na binibigay nila sakin. Darating ang panahon na sila rin yung tatanggap ng mga hamon. They should be ready also.” Pahayag ni Trillanes sa mga media.


Nanindigan si Trillanes na bahagi lamang ng harrassment ang naturang kaso na isinampa laban sa kaniya.

Si Sen. Trillanes ay humarap sa Korte para sa arraignment sa apat na bilang ng kasong libelo na isinampa laban sa kaniya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Atty. Manases Carpio.


Magugunitang noong isang taon naglabas ng apat na arrest warrant si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang laban sa nasabing senador.
Trillanes, naghain ng not guilty plea sa kasong libel na isinampa ni Paolo Duterte Trillanes, naghain ng not guilty plea sa kasong libel na isinampa ni Paolo Duterte Reviewed by ­ on January 15, 2019 Rating: 5