Header AD

Sheerlyn Gerasta naglaslas pala sa pulso, kaya ang demanda 'di na ituloy ni Charlie


Malabo ng makulong si Sheerlyn Gerasta ang pinay Overseas Filipino Workers o OFW sa bansang Saudi Arabia matapos inireklamo ng kaniyang mister dahil sa pangangaliwa.

Matatandaan na lumapit sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo sa 'Wanted sa Radio' si Charlie Lozada dala ang lima niyang anak na may ubo't sipon para ireklamo ang kaniyang misis na may kabit na isa umanong engineer na isa rin OFW sa Saudi.


Inireklamo niya ang kaniyang misis dahil ika-tatlong beses na daw itong may ibang karelasyon.

Buo na sana ang loob ng mister at napag desisyunan na sampahan ng kaso ang kaniyang asawa at ang kabit nito. Pero biglang nagbago ang isip ni Charlie Lozada ng malaman niyang naglaslas sa pulso si Sheerlyn.


Matapos ma-ere sa 'Wanted sa Radio' ang kanilang pag-uusap nagpadala ng litrato si Sheerlyn sa messenger ng kaniyang mister at doon na nakita ang sugat ng kamay ni misis dahilan sa paglaslas niya nito.


Kaya napag-desisyunan ni Charlie na i-atras nalang ang kaso at papauwiin nalang niya ito sa Pinas.


Pero buo parin ang desisyun ni Sheerlyn na hiwalayan na niya si Charlie dahil matagal na daw siyang walan na ng gana kay Charlie.

Source: Facebook
Sheerlyn Gerasta naglaslas pala sa pulso, kaya ang demanda 'di na ituloy ni Charlie Sheerlyn Gerasta naglaslas pala sa pulso, kaya ang demanda 'di na ituloy ni Charlie Reviewed by ­ on January 16, 2019 Rating: 5