Header AD

Pinay OFW sa Saudi na pinagpalit ang limang anak sa isang engineer, nagsalita na


Nagsalita na ang babaeng Overseas Filipino Worker o OFW matapos inireklamo ng kaniyang mister dahil sa pangangaliwa sa bansang Saudi Arabia.

Kinilala ang inireklamo na si Sheerlyn Gerasta, si Gerasta ay inireklamo ng kaniyang mister dahil pinagpalit daw siya ng isang engineer na isa rin OFW sa Saudi.


Matandaan na maluha-luha pa ang mister habang nagsumbong kay Raffy Tulfo sa programang 'Wanted sa Radio' dahil tila minamaliit daw ang kaniyang pagkatao tungkol sa pagiging ama niya sa kaniyang pamilya.


Sa kalagitnaan ng interview, uminit ang ulo ni idol Raffy at ni OWWA Deputy Executive Director Arnell Ignacio nang marinig nila ang panig ng mister dahil sa hamon ng kabit ng kaniyang misis. Pinagsabihan daw kasi siya ng kabit na "Kung may utak ka, ipapa-deport mo kami." kaya ang hamon ng lalaki, tinapatan ni Arnell Ignacio at Raffy Tulfo.


Ilang araw lang ang lumipas inaksyunan agad ni Arnell Ignacio ang sumbong ng mister. Sa facebook account naka live interview si Arnell Ignacio at tinanong ng ilang beses si Sheerlyn kung bakit nya nagawa ang pangangaliwa ng kaniyang mister.

PANOORIN:


Todo depensa naman si Sheerlyn at aniya hindi muna dapat daw siya ay husgahan dahil hindi pa natukoy ang totoong pangyayari, pero tila kinikilig siya kapag binabanggit ang pangalan ng kaniyang kabit.
Pinay OFW sa Saudi na pinagpalit ang limang anak sa isang engineer, nagsalita na Pinay OFW sa Saudi na pinagpalit ang limang anak sa isang engineer, nagsalita na Reviewed by ­ on January 16, 2019 Rating: 5