Header AD

PETMALU | Sikat na fast food sa bansa, ginaya ng China


Viral ang naging post ng isang netizen matapos mamataan ang isang restaurant na tila kaparehas ng sikat na fast food joint sa Pilipinas.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook Page na Pinoy Viral Video, ang nasabing video ay kuha ni Christopher Guzman. Makikita ang harapan ng nasabing restaurant na kahawig na kahawig ng Jollibee pati na rin ang logo nito.


‘Joyrulbee’ – ‘yan ang naging bersyon ng China sa Jollibee na kung titingnan ay may pagkakaparehas ang style sa Filipino joint.

Ang pinagkaiba lamang ay imbes na Jollibee, JoyRulBee ang nakalagay na pangalan dito.


Sa Facebook post ni Christopher Guzman, kita ang mukha ng tanyag na bubuyog na si Jollibee, ngunit sa China, iba ang naging pangalan ng iconic brand.


Pumasok din sila sa loob at nakita nilang halos walang pinagkaiba ito sa Jollibee. Samantalang maraming Pinoy netizens ang umalma dito. Meron ding nagsabing hindi na nakakagulat dahil lahat naman daw yata ng produkto ay ginagawan ng clone ng China.

Heto ang buong caption ng Facebook post:



“JOLLIBEE vs JOYRULBEE… saan ka…
matindi ito kopyang kopya ang pwesto at may logo pa ng jollibee. sa 10years namin sa china ngayon lang kami nakakita ng ganito. makakakain nga kami, copy naman hehehe. sana naging totoong jollibee na lang ito…

PINOY KAMI… KAY JOLLIBEE PARIN KAMI…”

/ KAMI | Abante
PETMALU | Sikat na fast food sa bansa, ginaya ng China PETMALU | Sikat na fast food sa bansa, ginaya ng China Reviewed by ­ on January 22, 2019 Rating: 5