Header AD

Pag-ban ng FB sa higit 200 DDS pages ikinatuwa ni VP Leni


Kung may isang taong naging masaya sa pag-ban ng mga DDS page walang iba kundi si Vice President Leni Robredo.

Matapos ang pag take down ng Facebook sa Twinmark Media Enterprises na napag-alamang nagpapakalat umano ng kasinungalingan, maling balita, at gumagamit umano ng mga fake account, nanawagan si Leni Robredo sa Facebook na ipagpatuloy ang paglilinis sa naturang platform.


Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na magandang balita ito para sa taumbayan.

“Napakalaking regalo ito sa taumbayan. [Marami pang pages] na hindi nate-take down, pero puwede na ito, at least umuusad,” ayon pa ni Leni.


“Para ito sa buong Pilipinas – na okay lang naman mag-criticize, pero dapat iyong basehan ng kritisismo ay totoo,” dagdag pa nito.

“Huwag magpapaniwala kaagad. Mas mabuti na ang paniwalaan, iyong mga nagpa-practice talaga ng accountability, kasi hindi iyan magpo-post nang hindi nila vinerify,” ani Robredo.

Source: RMN | Abante
Pag-ban ng FB sa higit 200 DDS pages ikinatuwa ni VP Leni Pag-ban ng FB sa higit 200 DDS pages ikinatuwa ni VP Leni Reviewed by ­ on January 14, 2019 Rating: 5