Header AD

Nanay nahuling nag shoplift, sa halip ikulong binigyan ng ilang kilong bigas ni Kapitan


Viral ngayon sa social media ang isang video na kumalat dahil sa isang kapitan ng baranggay ang nagbigay ng ilang kilong bigas sa nahuling nanay na nag-shoplift umano ng pagkain.

Kinilala ang kapitan na si Kap. Gary Bacos ng Barangay Bucandala IV, Imus Cavite, ayon sa page na Tambayan Ni BERTO Pilipinas na nag-upload sa nasabing video, si ate na hindi pa alam ang pangalan ay nahuli umano ng mga tanod dahil sa pagsa-shoplift ng pagkain.


Nagawa daw ng babae ang pagnakaw dahil sa subrang gutom nito ayon pa sa caption ng video. Pero imbes na ikulong ang babae, binigyan ito ng ilang kilong bigas at ilang delata ng sardinas ni kapitan Bacos. Pinaalalahanan din ni kapitan si nanay na huwag ng umulit sa maling gawain bagkus humingi nalang ito dahil marami pa naman ang taong mabubuti ang kalouban.


Pero sa kabutihan na ginawa ni kapitan hindi rin siya nakaiwas sa mga sermon ng mga netizens. Ayon pa ng iilan na kung mag-bigay man lang daw siya hindi na daw dapat pang videohan dahil ka-plastikan lang daw ito.



Pero may ilang netizen naman na kinakampihan ang kapitan dahil sa kabaitan na pinapakita nito sa kapwa. "look at the good side huwag crab mentality kaya yun iba may video or pic ng pagtulong upang pamaresan maging magandang halimbawa sa kapwa hinde naman siguro mananalong kapitan yan kung pakitang tao lang." ayon pa ni Alex Agarro Salaya.


"Para sa mga makikitid ang utak na nagsasabing bakit may cam? Dapat kung tutulong dapat kahit walang cam..hahahhaha so pwede kondin bang sabihin sa mga palabas sa tv na wag na palabas sa tv pag tulong nila? Off cam nalang..mensahe yan sa mga taong gusto gumawa ng masama na di ang pagnanakaw ang sagot..lumapit kayo sa barangay nyo..or sa namumuno sa lugar nyo..logic lang." ayon pa ni Macoi Sarmiento Ordonez.

Source: Facebook
Nanay nahuling nag shoplift, sa halip ikulong binigyan ng ilang kilong bigas ni Kapitan Nanay nahuling nag shoplift, sa halip ikulong binigyan ng ilang kilong bigas ni Kapitan Reviewed by ­ on January 17, 2019 Rating: 5