Header AD

Magandang bata; pinapalimos umano ng kaniyang ina bitbit ang sanggol, viral sa social media


Viral ngayon ang mga larawan na kumakalat sa social media ang batang babae na namamalimos sa daan bitbit ang sanggol nitong kapatid.

Sa facebook post ni Christian Batiancila sa murang edad daw ng bata inuutusan umano itong mamalimos bitbit ang sanggol na kapatid, kapag wala daw siyang maibigay na pera sa kaniyang ina ay sinasaktan umano siya.

Hindi pa nakilala ang batang babae at ang bitbit nitong sanggol kung titignan ang sanggol parang mag dadalawang buwan palang.


"Gusto ko lang po ipaalam lahat sa inyo na kung sino po may kontak sa DSWD na sa murang edad nya pinapalimos sya ng kanya ina pag walang limos sinasaktan ung bata ung baby na hawak nya mga nasa months palang" ayon pa sa caption ni Batiancila.

Maraming netizen ang naaawa at nagalit sa mga magulang ng mga bata yung iba pinagta-tag ang Department of Social Welfare and Development o DSWD para ma-rescue ang mga bata.

Agad kumalat ang post ni Batiancila at umabot ito ng 600 shares at 2,000 likes sa facebook post.
Magandang bata; pinapalimos umano ng kaniyang ina bitbit ang sanggol, viral sa social media Magandang bata; pinapalimos umano ng kaniyang ina bitbit ang sanggol, viral sa social media Reviewed by ­ on January 07, 2019 Rating: 5