Header AD

Korina Sanchez may banat kay Pres. Duterte “Ayaw niyang may nagbabantay sa anya!”


May banat ngayon kay President Rodrigo Duterte ang asawa ni Mar Roxas na si Korina Sanchez-Roxas tungkol sa usapin ng Commission on AUdit (COA) at Commission on Human Rights (CHR).

Sa kanyang artikulo, may banat ang kilalang broadcaster at TV host na si Korina, ipinaliwanag nito kung bakit tila galit ang Presidente sa COA) at CHR ay balakid daw kay Pangulong Duterte.


Dagdag pa ni Korina, pati daw ang sinumang oposisyon sa kongreso ay kinamumuhian din ng Pangulo. Hindi daw gusto ng Presidente na may pumipigil sa mga gusto nitong hakbang at plano sa bansa.

“Malinaw na ayaw ni P-Duterte na may nagbabantay sa kanya. Ayaw nito ng COA dahil ‘balakid umano sa gobyerno. Ayaw ng (CHR) dahil balakid sa kanyang madugong kampanya kontra sa iligal na droga na hanggang ngayon ay patuloy pa rin halos magtatatlong taon nang nagaganap,” ayon pa ni Sanchez sa kaniyang tabloid column.


Ayon sa TV host, dapat daw mayroong nagmamasid sa mga taga-gobyerno para iwas-korapsyon.

“Ayaw ng oposisyon sa Kongreso, ano ba ang tawag kapag ayaw nang nababantayan o nasasabi­han? Hindi ba, kailangan ng mga taga­bantay sa gobyerno para walang mang-abuso at maiwasan ang korupsiyon?” dagdag pa niya.


Ilang araw lang ang nakalilipas, matatandaang nagbiro ang Pangulong Duterte tungkol sa pagkidnap sa mga miyembro ng COA. Ang COA daw kasi ang rason kaya usad pagong ang mga proyekto ng gobyerno.


“Ah p******** ‘yang COA na ‘yan. Letse kasi yung COA, everytime may mali talaga. Ano ba naman itong COA na ito?” ayon pa sa biro ng Pangulo.

“Sino ba gusto makulong nang ano? Pero yung ano, pahirapan, ‘yan ang ayaw ko, yang pahirapan,” sabi pa ng Presidente.



Pero dpensa naman ng Malacañang, inaasar lang ng Pangulo ang mga wala nang ginawa sa administrasyon kundi kumontra sa kanya.
Korina Sanchez may banat kay Pres. Duterte “Ayaw niyang may nagbabantay sa anya!” Korina Sanchez may banat kay Pres. Duterte “Ayaw niyang may nagbabantay sa anya!” Reviewed by ­ on January 14, 2019 Rating: 5