Header AD

Isang babaeng dayuhan, namumulot ng kalat sa daan; viral sa social media


Viral ngayon sa social media ang mga larawan ng isang dayuhang babae na namumulot ng mga basura sa daan at inilagay niya sa plastic bag.

Ayon pa sa uploader ng mga larawan na si John Mendel Espina na habang siya ay naglalakad sa BGC biglang bumungad sa kaniya ang babaeng foreigner na kinilalang si Emilie.


Sa una ay nilagpasan niya lang daw ito ngunit hindi niya daw maiwasan mapahanga sa ginawa ng banyaga, binalikan niya ito at kinausap.


"Parang gusto ko siya lapitan at kausapin at tulungan. Kaya binalikan ko siya. Sobrang nahihiya akong kausapin siya dahil wala akong maioffer na tulong. Pero nilakasan ko ang loob ko at kinausap ko siya." ayon pa ni Espina.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, humingi ng patawad si Espina dahil nahihiya daw siya sa sobrang kalat sa lugar at ang taga-ibang bansa pa ang naglilinis.


 "Well someone has to do an initiative, right?" sagot naman ni Emilie.

Basahin ang buong post ni Espina sa kaniyang Facebook account:

"Naglalakad ako sa BGC Forum papuntang SM Aura nang makita ko ang isang foreigner (girl) na namumulot ng mga kalat sa mga damo at nilalagay niya sa plastic bag.

Kahit na nakita ko siya, nilagpasan ko lang siya at tuloy tuloy maglakad... pero talagang hindi ko maatim na hindi tumingin palikod. Parang gusto ko siya lapitan at kausapin at tulungan. Kaya binalikan ko siya. Sobrang nahihiya akong kausapin siya dahil wala akong maioffer na tulong. Pero nilakasan ko ang loob ko at kinausap ko siya.

Ang pangalan niya ay Emilie. Agad agad, humingi ako ng tawad at sinabing nahihiya ako dahil sobrang kalat talaga dito sa Pilipinas. Nagpasalamat din ako sa ginagawa niya. Ang sabi niya sa akin "Well someone has to do an initiative, right?"

I was speechless. Hindi ko alam kung ano pa ang susunod kong sasabihin sa kanya. Gusto kong tumulong pero may kailangan ako puntahan. (O nagdadahilan lang talaga ako dahil hindi ko kaya ung ginagawa niya?). Sa huli, sabi ko sa kanya picturan ko siya at maipost dito sa facebook and to be hopeful na may matouch sa ginagawa niya just like me. I think this is the lamest thing to do to help her. Pero sabi nga "someone has to do an initiative".

Sorry, Emily, I was not able to help you clean. I am really ashamed of myself for not really stopping and help you pickup trash. But I promise that I will do my part as a Filipino citizen to throw my trash in the right palce.

Sa ating mga pinoy, sana maging eye-opener ito sa ating lahat. nakakalungkot.

Hindi ko alam paano tatapusin tong post kasi ako mismo ay nahihiya sa ginawa ko. Ako mismo amindo ako nagtatapon din ako paminsan ng basura kung saan saan."


Agad naman kumalat sa social media ang post ni Espina at umabot na ito ng libo-libong likers at 10,000 ang nag-share.
Isang babaeng dayuhan, namumulot ng kalat sa daan; viral sa social media Isang babaeng dayuhan, namumulot ng kalat sa daan; viral sa social media Reviewed by ­ on January 12, 2019 Rating: 5