Header AD

DATI BASURA | Manila Bay, dinagsa na ng mga tao para makita ang magandang sunset



INIHAYAG ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na sinusubukan ng ahensiyang bawasan ang kontaminasyon sa Manila Bay upang maging malinis ito at maaari nang mag-swimming at magsagawa ng public activities dito sa darating na Disyembre 2019.

Hindi man ito magiging ka­sing linis ng tubig sa Boracay at El Nido ngunit ang hyperpolluted na ­Manila Bay ay maaari nang langu­yan kapag natapos ang major ­rehab sa katapusan ng taong 2019.

Dagdag pa nito, ang istriktong pagpapatupad ng Republic Act No. 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004 ay siyang magiging daan upang maipahayag ang mga isyu sa kalidad ng tubig at iba pang problemang pangkapaligiran sa ‘historic bay.’


Hangad ng pamahalaan na malinis ang Manila Bay, na kilala sa buong mundo dahil sa napakaganda nitong sunset. Ito’y pinupuntahan hindi lang ng ating mga kababayan, kundi ng mga dayuhan at sa pagtanaw rito ay maraming mga pangarap ang nabubuo.


Sayang nga lang at ilang taon ito'y naging marumi at hindi na mapaglanguyan at may amoy pang nakasusuklaw at nakaduduwal, dahil ang mga dumi ng tao ay matagal nang napupunta at dumadaloy rito.

Ito ang nais malinis ng ating pamahalaan sa Manila Bay.  Sa ganang atin ay makatutulong tayo sa Manila Bay bilang karagatan sa pamamagitan ng paggawa ng simple subali’t mabuting bagay, ang pag-iwas sa paggamit ng plastik.


Ito ay sa kadahilanang plastik ang isa sa pinakamalaking salot sa kalikasan ngayon. Sa katunayan, ang krisis ng polusyon ng plastik ay ang pinakamalalang krisis sa kalikasan ngayon. Hindi lamang sa ating kapaligiran nag-uumapaw ang plastik.

Paano ngayon sosolusyunan ang problema ng plastik. Simple lang. Iwasang gumamit ng plastik. Kapag wala tayong ginamit na plastik, wala tayong itatapon na plastik.

Dahil sa naging aksyon ng pamahalaang Duterte unti-unti na itong nagbago tulad ng dati.

Umani agad ng positibong kumento mula sa mga netizens at yung iba ay pinasalamatan nila ang Pangulo.


Source: Journal Online
DATI BASURA | Manila Bay, dinagsa na ng mga tao para makita ang magandang sunset DATI BASURA | Manila Bay, dinagsa na ng mga tao para makita ang magandang sunset Reviewed by ­ on January 29, 2019 Rating: 5