Header AD

Dahil sa kahihiyan; Kabit, gustong sampahan ng kaso ang legal na asawa


Isang babaeng complainant ang nagtungo sa programa ni idol Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radio' para humingi ng tulong para idemanda ang babaeng naninira sa kaniya sa social media.

Kinilala ang complainant na si Mia Fe Raton at ang kaniyang inireklamo ay si Carolyn Bacuyag isang OFW, si Bacuyag ay gustong idemanda ni Raton dahil sa pagpapahiya at paninira nito sa social media.


Si Bacuyag ay legal na asawa at naging kabit naman si Raton kaya depensa pa ni Bacuyag kaya daw siya nagpopost noon sa Facebook dahil sa subrang galit ng malaman niyang tinira ni Raton ang kaniyang mister.

PANOORIN:



Dagdag pa ni Bacuyag matagal na daw ang post na yun at matagal na din niya itong binura. Pero si Raton ay desidido parin sampahan ng kaso si Bacuyag dahil nasisira daw ang kaniyang mukha at pangalan.


"Eh sir, pangalan ko yung nasira sir.. Eh sir pagbayaran niya sir yung ginawa niya.." ayon pa ni Raton.

Pero sinupalpal si Raton ni Raffy Tulfo dahil parehas lang naman daw silang nasaktan, si Bacuyag ay inagawan ng mister at si Raton naman ay subrang kahihiyan ang natanggap dahil sa mga post sa social media ni Bacuyag.
Dahil sa kahihiyan; Kabit, gustong sampahan ng kaso ang legal na asawa Dahil sa kahihiyan; Kabit, gustong sampahan ng kaso ang legal na asawa Reviewed by ­ on January 06, 2019 Rating: 5