Header AD

Charlie at Sheerlyn masayang nag-kasamang kumain kasama ang mga anak


Muling nagkasamang kumain ang pamilyang nakatikim ng mapait na pagsubok sa buhay, makikita sa mga mukha ng mga anak nina Sheerlyn Gerasta at Charlie Lozada ang tuwa ng makita nilang nagkasama ang kanilang ina at ama.

Makikita sa video na nakipag-grouphug pa si Sheerlyn sa kaniyang mga anak. Matatandaan na si Sheerlyn ay inireklamo ng kaniyang mister na si Charlie dahil sa pangangaliwa nito sa kaniyang pamilya. Si Sheerlyn ay may ibang kalaguyo sa bansang Saudi Arabia habang siya ay nagta-trabaho doon.


Matapos ma-ere ang reklamo ni Charlie kay Sheerlyn binigyan agad ito ng aksyon ng OWWA at na-ipa deport si Sheerlyn pabalik ng bansa at doon na sila nagharap sa personal ng kaniyang mister at napag-usapan ang naging problema sa kanilang pamilya.


Pero sa interview ni idol Raffy Tulfo kay Sheerlyn tila matigas pa sa bato ang naging desisyon ni misis na hiwalayan na niya si mister dahil ayun pa niya, hiyang-hiya daw siya sa buong mundo sa naging aksyon ng kaniyang mister.


Sa nakikitang video habang sila ay kumakain makikita sa kanilang mga mukha ang saya nang muli silang nagkasama. Pero nagkabalikan na kaya ang haligi at ang ilaw ng tahanan?


Pero marami parin netizens ang gigil sa nagawa ni Sheerlyn at ito ang naging pahayag ni Tina MaƱabo: "Malandi pa rin yan makati pa sa gabi tignan mo itsura nakakangiti pa tabla mukha niyan pakitang tao lang bait baitan demonyita naman. D dapat kaawaan iyan. Maawa tayo sa mga anak."



"hug ng hug yong baby sa nanay sya naman todo tingin sa camera." dagdag pa ni Jannie Pines Jangad Mapiot.
Charlie at Sheerlyn masayang nag-kasamang kumain kasama ang mga anak Charlie at Sheerlyn masayang nag-kasamang kumain kasama ang mga anak Reviewed by ­ on January 19, 2019 Rating: 5