Header AD

Banat ni Charlie kay Sheerlyn para magkabalikan sila?


Sa parteng ito, mukhang may pag-asa na magkabalikan ang mag-asawang sina Sheerlyn at Charlie. Kung ating gugunitain, ang mag-asawang ito ang nag viral sa social media dahil sa kanilang mala teleseryeng buhay.

Si Sheerlyn ay isang OFW na Saudi, habang ang asawa na si Charlie ay isang tricycle driver at nag-aalaga ng kanilang limang maliliit na anak.


Humingi ng tulong si Charlie sa programang Raffy Tulfo in Action dahil hindi na niya alam ang gagawin sa asawang si Sheerlyn na may karelasyong engineer sa Saudi na isa ring pinoy, si Edwin.

Kung nagmamatigas na parang bato si Sheerlyn sa Part 1, 2 at 3 na episodes, dahil siguro sa kanyang galit kay Charlie. Aniya, sinira ni Charlie ang kanyang puri sa social media. Pero sa bandang huli, napapangiti na rin si Sheerlyn.


Kasama ng mag-asawang Sheerlyn at Charlie ang mga staff ng Raffy Tulfo in Action para samahan sila sa OWWA at mapag-usapan ang mga susunod na hakbang para sa kanilang mga anak na siya talagang naaapektuhan sa gusot ng kanilang mga magulang.

Bigla nalang nag sisigaw si Sheerlyn sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, siguro dahil hindi na makayanan ang mga nangyayari sa kanilang mag-asawa, pati na rin ang kahihiyan sa social media, kung meron man siya. Agad namang inilabas ang mga bata para hindi nila makikita ang kanilang ina sa ganoong eksena.



May mga netizens na umaasang magkabalikan ang mag-asawang Charlie at Sheerlyn alang-alang sa kanilang limang maliliit na anak at mabuo uli ang kanilang winasak na pamilya.
Banat ni Charlie kay Sheerlyn para magkabalikan sila? Banat ni Charlie kay Sheerlyn para magkabalikan sila? Reviewed by ­ on January 21, 2019 Rating: 5