Header AD

Bahay ni Sen. Manny Pacquiao, pinasok ng mga magnanakaw


Nilooban ng mga magnanakaw ang bahay ni Senador Manny Pacquiao sa Los Angeles habang nasa Las Vegas si Pacquiao kaugnay sa laban niya sa American boxer na si Adrien Broner.

Isang araw makalipas ang tagumpay na mapanatili ang kanyang WBA welterweight belt via unanimous decision win kontra Broner sa Las Vegas, muli namang napasok ng mga hinihinalang magnanakaw ang bahay ni Pacquiao


Sa tweet ni Steve Angeles, sinabi nitong, “as Manny Pacquiao makes his way back to LA, Police are outside of his home. Apparently it’s been robbed while he was out in Vegas. Few of Manny’s advance security are now talking to investigators.”


Nakita umanong magulo ang kuwarto at hindi pa alam ng mga otoridad kung ano ang mga bagay na nawala sa bahay ng pambansang kamao.

Ayon umano sa kapatid ni Pacquiao na si Bobby, kabilang ang mga designer items, jewelry, at safety vault ang nasabing kuwarto ng senador.


Sa video, makikita na binabantayan ng mga pulis ang naturang bahay ni Pacquiao.

“The block where Manny Pacquiao’s house is, has now been roped off with police tape. Manny’s aunt is talking to investigators. Apparently the open door was spotted by police on routin patrol. This isn’t the first time this house has been broken into,” dagdag na tweet ni Angeles.


Hindi ito ang unang beses na pinasok ang bahay ni Pacquiao sa L.A. Setyembre 2011, apat ang nahuli sa panloloob sa bahay ni Pacquiao at pasasalamat nito na wala namang nanakaw sa kanyang bahay noong mga panahon na ‘yon.

Hindi ito ang unang beses na pinasok ang bahay ni Pacquiao sa L.A. Setyembre 2011, apat ang nahuli sa panloloob sa bahay ni Pacquiao at pasasalamat nito na wala namang nanakaw sa kanyang bahay noong mga panahon na ‘yon.
Bahay ni Sen. Manny Pacquiao, pinasok ng mga magnanakaw Bahay ni Sen. Manny Pacquiao, pinasok ng mga magnanakaw Reviewed by ­ on January 22, 2019 Rating: 5