Header AD

Bagong kasal na mga OFW, nalunod habang nasa honeymoon sa Maldives


Nauwi sa trahediya ang honeymoon at bakasyon sa Maldives ng bagong kasal na overseas Filipino worker nang malunod sila habang nag-i-snorkel sa isang resort sa Dhiffushi island ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na iniulat ng mga lokal na otoridad na mga panauhin ang 29-anyos na si Joyce at Leomer Lagradilla 30-anyos sa isang resort sa nasabing Isla nang malunod habang nagi-snorkeling noong Linggo.


Ang dalawang biktima ay kinasal lang noong December 18, 2018. Mahigit 10 taon umanong naging magkasintahan ang dalawa Nagtrabaho sa Singapore si Leomer, habang sa Saudi Arabia naman si Joyce.


Sa kabila ng pagiging malayo nila sa isa't -isa dahil sa kanilang trabaho, hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Nitong Enero 9, lumipad pa-Maldives ang dalawa para sa kanilang dream honeymoon. Pero, ang masaya sanang selebrasyon at bakasyon, nauwi sa trahedya nang malunod sila sa kanilang ikalawang araw nila doon habang nag-i- snorkel.


Ni-rescue ng mga manggagawa ng resort ang mag-asawa, bagamat dead on arrival sa isang lokal na ospital, ayon pa sa DFA.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng mga biktima.


Tiniyak din ng DFA na aayudahan ang mga biktima para maibalik ang kanilang mga labi sa bansa.

Source: GMANetwork | Bandera Inquirer
Bagong kasal na mga OFW, nalunod habang nasa honeymoon sa Maldives Bagong kasal na mga OFW, nalunod habang nasa honeymoon sa Maldives Reviewed by ­ on January 14, 2019 Rating: 5